396 - Jesus, Ipagsama Mong Gumawa

Jesus, ipagsama Mong gumawa
Ang abang aliping nahahanda,
Sa tulong ng Iyong saganang biyaya
Tatalaga kami sa paggawa.

Ang mga mahirap dadalawin
At sila sa Iyo'y tatawagin;
Ang sa kasalanan ay naaalipin
Samahan Mo kami't sasagipin.

Jesus, wala kaming pagkapagal
Pagka't kasama Ka buong araw;
Ang aming pag-asa'y magiging magaan
Kung ang biyaya Mo'y aalalay.

Kaya't tayo'y tulong sa paggawa
Nang lupa'y luminis sa masama;
At kung magkagayon ang tao'y malayang
Sumama sa Atin na gumawa.

0:00 0:00